Heaven know's

Martes, Disyembre 3, 2013

Hirap naman kung hindi kayo compatible ng partner mo, kailangan mong makisama, kailangan maging ok.. in order to maintain peace and order in your family. Mahirap talaga dahil hindi ako makakakuha ng comfort sa kanya kung nagkamali ka kasi mas lalo kang naging mali...kung naghihingalo kana...mamatay ka nalang...na sana mabubuhay ka pa. Mahirap na kailangan mong harapin dahil nandyan na at ayaw ko rin namang masira ang pamilya ko...kaya sacrifice to the max na to. Buti nalang di kami laging magkasama kasi baka diko kaya.

Sa panahon kasing kailangan mo ng taong karamay mo dahil...yon nga nangyari ang isang pagkakamali gasgas ang sasakyan ko kahapon. Medyo mali lang talaga ang pasok ko, minsan naman kasi dito sa amin yong mga traffic light minsan mayroon minsan wala...maling akala aminado nman akong mali ako kasi nagmamadali ako dahil late na ako sa klase ko...kaya yon nakapagfine ako at gasgas sasakyan ko konti lang naman ang gasgas minor lang. Sinabi ko sa kanya ang nangyari buti nalang seguro hindi ko nalang sinabi...kasi sama ng loob ang nahihita ko. Yon bang mga panahon na kailangan mo ng taong makikinig sayo nasa tama ka man o mali 'yong taong nasa panig mo...eh di mo makukuha sa kanya kasi dapat nag-ingat ka, dapat presence of mine, dapat dika magkamali...eh hindi naman ako perfect eh...buti sana kung ang nagsalita eh perfect eh di nga marunong mag drive..ayyy buhay. Ang sabi ko nangyari na eh, pakinggan mo nalang sana ako nakakamatay ka nman sabi ko. Sabi nya advise lang daw hahayyy...sino kayang gustong madisgrasya patay nga paul walker na subrang expert na noong driver. Magpray nalang, yon lang ang kaya kong gawin na bigyan ako ni Lord ng presence of mine at saka gabayan niya ako sa bawat byahe ko, to keep me safe...

Noong nmang montik nang macarnap sasakyan ko, sabi nman niya sa susunod mag ingat ako...hahayyy di bali nalang seguro talagang ganyan siya. Ganyan ang personality niya...minsan kaya kung intindihin kaso minsan nakakainis naman. Buhay nga nman...

Tingin ng tao perfect ang buhay ko, the smile in my face at sa uri ng pamumuhay ko pero panlabas lang yon. Kung anuman ang mayroon ako pinagpasalamat ko yon sa maykapal ng 100% dahil wala ang lahat ng ito kung hindi dahil sa Dios ng may gawa. Lahat ng tinatamasa ko ngayon ay dahil yon sa sikap at binuhos kung mga oras at sa awa ng Dios.

Isa pang kinainis ko ha! Ok lang sa akin na ako ang magdrive ng sasakyan ko habang papuntang hospital dahil medyo makakaya pa yan pero 'yong sabihing ako rin magdrive pauwi pagkatapos kung maglabor ay iba na yon, gusto ba nyang mamatay ako pagkatapos? O talagang insensitive lang siya or talagang nagkulang ang mama nya sa pagpapalaki sa kanya hindi kaya ako robot dear sabi ko sa kanya. Or baka subra lang ang believe niya sa akin hehehe na kaya kung maging robot, tao kaya ako. Or talagang hindi lang niya ako mahal..hindi nman seguro huhuhu....hahayyy buhay nga naman or gusto nyang mapadali ang buhay ko. Mahirap pero lahat ng ito ay dinaan ko sa tawa kasi masisira ang buhay ko, para akong timang kung seryosuhin ko lahat kaya ito sa blog ko nalang binuhos.

Alam mo bang minsan naiisip ko parin kung paano kaya kung hindi mo sinabi sa akin noon na huwag kitang gawing dahilan...kasi noong mga panahong 'yon ikaw talaga ang dahilan kung bakit ayaw kung ituloy... pero naunahan mo ako kaya sa isip ko noon ginulo mo ang isip at puso ko. Paano kaya kung nakaya kung harapin at iurong ang lahat. Paano kaya kung talagang nagawa kung gawin kitang exit noon pero ikaw naman talagang gusto kung gawin exit dahil ginulo mo buhay ko, isip at puso ko. Sa ngayon lahat nalang paano kaya dahil hindi na puede. Tanggap ko narin pero minsan lang sumasagi parin sa isip ko.

Alam ko and i realized that God has a plan kung bakit hindi ka parin mawala sa isip at puso ko dahil ito ang totoo at dahil God loves me he let me experience the real feeling of Love regardless of who you are...and he let me realize also that i need to pass this way coz this is his way. God loves me the way i am...hindi 'yong conditional love. He let me also experience conditional love to let me differentiate the two. Masarap sa pakiramdam na minsan nagmahal ka ng totoo.

"AS LOVE GROWS IN YOU, BEAUTY GROWS TOO, FOR LOVE IS THE BEAUTY OF THE SOUL"